Monday, July 21, 2008

System loss + Taxes = An insane electric bill!

Good Day guys, I received this email regarding our electric bill and how we are unfairly taxed... I want to share this because its high time that someone took notice of it.

I'm here to share this article, and you can be the judge after...read on:

Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30

sec ang masalimuot na system loss na yan..:)

Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo

ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong

binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman..

Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga

distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical

network, pati na ang mga substation and step-down transformers para

nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na,

palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay

alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter

readings, pilferage ! at kung ano ano pa...

At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss?

Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng

power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system

loss nya sa meralco.. at shempre kanino pa ba naman iyan sisingilin

ng meralco..

Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday..

pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng

ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng

ating electric bill...

Generation charge

Tax on Generation charge

Transmission charge

Tax on Transmission charge

System loss

Tax on System Loss

Distribution, Metering and Supply charges

Lifeline rate subsidies

Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate

subsidies

Local franchise tax

Universal charges

I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero

napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin?

Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating

sa bahay naten..

Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente...bago pa maka

alis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51

cents /kwh.

Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa

distribution utility natin gaya ng meralco.. Muli tayong bubuwisan

ng gobyerno, this time 11 cents/kwh

Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng

buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax...

At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong

bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax..

At eto pa ang kwela sa lahat, after i total ang iyong electric

charges.. papatawan kang muli ng tax.. t! his time yung 12% e-vat.

Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang

muli ng isa pang tax...

Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa

ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas

na sa double eh (sarcastic lang po)

At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... Ang

napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal

na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor... sasairin nila

yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at

dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency

purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa

ikli ng time table, walang makakapag bid.

SO si napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa

kanilang preferred suplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng

patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market..

idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pag ta

transport ng coal... na shempre muling pagkakakitaan ng mga napocor

executives.. .

Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng

gobyerno natin..:( ansaya ng buhay sa pilipinas no?

Kabayan please dont keep this message!

Pakipasa sa iba...

So that's it pipz, if you feel the message of this article..share it!

No comments: