Wednesday, April 9, 2008

Murang C2 na 1 liter

Sa opisina, di maiiwasan na mauhaw at naising bumili ng inumin na refreshing!

Kaya naman, pag tinamaan ako ng uhaw, takbo agad ako sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng isang napakalaking drink!

Isa na dito ang C2 na green, na sinasabi ng iba na walang lasa! Para sa akin, ok nga ang ganitong dating ng C2 green dahil mas nakakapatid uhaw!

At dahil ako ay likas na matakaw, malaking C2 ang binibili ko, mga 1 liter. AT dahil mahal siguro rent nila sa space nila, binabawi nila sa mahal ng C2 para kumita, kaya naman aabot ng 35 hanggang 40 pesos ang halaga nito!

Ok lang naman, kasi malaki naman diba?

Ngunit isang napakalaking rebelasyon ang aking nakadaupang palad ng minsan ako'y napagawi sa grocery ng C and C! Laking gulat ko ng makita kong 19 pesos lang ang C2 1 liter... *$&%@!

Halos 200% increase!! Anak ng pating, loko talaga mga nagbebenta sa opisina namin.....

Kaya kayo, wag paloko!! BOW!

No comments: