Good day sa mga taong nagbabasa ng blog ko, just wanted to share something to you guys and girls.
This was forwarded to me, I believe you might want to read this:
Mahal kong Anak,
This was forwarded to me, I believe you might want to read this:
Mahal kong Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana
akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang
katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan
mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang
kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ....
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
This is my tribute to my parents whom I love so much.
To all the sacrifices and hardships - I salute you guys - thanks for making me who I am right now!
God please bless my parents always!!
Kahit wag na ako, sila na lang po!! Thanks!
Note: pwede naman maging EMO kahit minsan....he he he!
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
This is my tribute to my parents whom I love so much.
To all the sacrifices and hardships - I salute you guys - thanks for making me who I am right now!
God please bless my parents always!!
Kahit wag na ako, sila na lang po!! Thanks!
Note: pwede naman maging EMO kahit minsan....he he he!
8 comments:
A very heartwarming message!
This made me think of my Mom and Dad too...
Sad, yet allows you to appreciate their sacrifices in life.
Cool post!
Thanks!!
Lets value them, in the end and in the beginning its them that we got.
Drz son,
We are touched to the max with your gesture of affection and gratitude. Please allow us to go mushy, too: you have been a very wonderful son. Just like the song goes: "Thank you for the joy and the love you bring..." Muah
ur papa & mama 4ever
hi kuya eck, nice message, man! it's touching, sweet and lovely ^_^
Good day everyone,
Thanks for the feedback!!
To everyone, value your parents ok, do not wait for tomorrow!
Hayos! Touching nga!
he he he, thanks bro!
I guess it is, I hope it wasnt too much.
Ey Hec,
Congrats! I'm glad you're part of the team. And time really IS fast, I just knew by reading this that it's your anniv.
Happy anniv and keep up the good work. Am happy to have you with my team.
Keep it up!
GM T
Post a Comment