Friday, August 3, 2007

Minsan may isang EMO...

Isa sa mga Sikat na EMO's ng Bayan, si pareng Vader!

Minsan sa buhay ng isang tao siya ay nagiging EMO...

Minsan kahit ano mang pilit na magpakasaya nagiging EMO pa rin...

Minsan din naman may mga taong walang magawa sa buhay kaya nagpipilit na maging EMO...
Naging bahagi na nga ng buhay ng mga Pinoy ang buhay EMO...

Gellybean: "Ganda naman ng Control Box mo,pwede paindot?"
Vader: "Kssssh Krooooh...Kssssh Krooooh, I am your pader Lyuk!"
Tinaka ng ilan na makipagkaibigan sa kanya, pero sadyang EMO lang talaga siya.

Ang pagka EMO ay pawang isang katagang niyakap na ng mga pinoy para bigyan ng pangalan ang isang damdamin na pinagsawaan ng tawaging kalungkutan. Hindi kasi cool kung tatawagin lang na malungkot ka pero pag tinawag mo itong EMO... kakaiba ang dating mo!

Kahit sa barkada ay umuusbong ang lahing EMO, o kaya naman isang permanent fixture na ang mga ganitong tipo ng tao sa magtotropa. Kumbaga sa storyline ng isang teen barkada flick, sila yung mga mahilig magmukmok, magrebelde at makipagaway. Sila yung nagdadagdag ng spice sa grupo!Naks naman!


Kahit sa tropa ng Autobots at Decepticons may EMO din!

At sa aming barkada, sa sobrang dami ng nagpapakaEMO, malapit na kami makabuo ng sarili naming EMO Rangers! Tama, sa araw araw na ginawa ng diyos, di maiiwasan na isa sa kanila (di ako kasali kasi masayahin akong tao, wakekekeke) ang kailanagn mag EMO mode.

Halata naman agad pag may isa sa grupo ang naka EMO mode, nakatungo ang ulo, hindi ka papansinin pag may tinanong ka, nagbabato ng bag, may pagalit na status sa ym ($#@* ka), hindi sasabay sa pagkain at hindi makikipaglaro ng Ghost Squad o Dance Maniax 2nd mix... he he he!

Isa sa pinakasikat na EMO sa anime!

Pamilyar ba ang mga ganitong mga pangyayari?Ikaw ba ay nakakaranas nito sa barkada mo?O ikaw mismo ang gumagawa nito?O baka naman wala kang barkada at lagi ka lang mag isa...Ayan, isa ka na ngang ganap na EMO!

Ngayong meron ka ng realization, punta na agad sa bilihan ng damit, dahil ang isang EMO ay may partikular na "get-up," kaya pangatawanan mo na. He he he!

4 comments:

SiMo said...

Hahaha, wag kalimutan nag dadabog habang pinipindot ang mga buttons sa elevator. At pag mahilig kumain ng problema na ndi kanya... (wink wink)

Lolx! nice entry! Pero patay ang EMO rangers sa kalaban... Eto pag fight scene

EMO Sentai Go! EMO Weapons Ilabas!

EMO1 - Mauna na kau, susunod ako...
EMO2 - (tatayo tapos uupo ulit) "Oh yeah"
EMO3 - "Anu b kau... Eto EMO bag!"
EMO1 - Pweh! muka kang laway EMO3!
EMO3 - (binato EMO bag ke EMO1)
EMO1 - "'reku!" (sabay type ym status @3$#! mu EMO3)
EMO3 - oh yeah!
EMO4 - "ndi nyo ako pinapansin ha!" (sabay binanga EMO 1-3 ng kanyang shoulder)
EMO5 - Lika na guys! Bilis na! may mga gagawin pa akong GORPS! DALI! Tawagin na ang EMORobo
(bang!)
Patay EMO rangers...

Lolx

Unknown said...

Pareng Hector dami ka pang naka limutan.

Paano naman sila:
Spiderman
Silver Surfer
Kira Yamato
Sound Wave

dag dag nalang ako pag may naisip pa ako.

anyways nice ito hehehehe

Eckoy said...

Lolx! Oo nga
madami pang emo dyan, hanap pa tayo... hmmmm... Si vegeta, ishida... LOlx!

Sir X said...

Willy Wonka is on the top of my Emo list. Tama ka with Sasuke and Vader. hehehe.

The Emo mania is an epidemic that is hard to run away from. When everyone around you is in Emo mode, para kang nakapasok sa Time Space Warp. It's a good thing that we have people with strong innate Emo barriers who could help us break the Emo dimension.

It's not good being Emo, I've tried it. But let's admit, without the Emo people, life would be boring. Mababawasan ng topic na pwedeng ipublish sa blog. hehehe