Tuesday, January 27, 2009

Bakasyon na ulit!

Kayo ba ay nalulungkot? Walang makausap? at pagod sa trabaho?

Bakit hindi niyo damputin ang telepono at idial ang 801-67-22.... lolx!

tama tama, kakabakasyon lang, at napakahaba pa nito. Pero dahil na din sa napakahaba ng bakasyon, parang gusto ko na tuloy na magbakasyon na ulit!


Naiinip na ako! Wakokokoko! Pero napa isip nga ako eh, bakit nga ba parang namimiss ko bakasyon? Bakjit kung kailan may pasok na tsaka ko naman siya hinahanap hanap?? Ang sagot ay:

- Kasi pag bakasyon, sa halip na magpahing lang ako, mas iniisip ko na dapat ako magpuyat at magpakapagod. Kasi syang nga naman diba, minsan na nga lang, sasayangin ko pa sa pagtulog! (ayun kapul!)


- Madalas na pag may bakasyon o long weekend, dun ako dinadapuan ng sakit! Anak ng pating diba, malas naman! Pero di na siguro kataka taka yun, kasi pag bakasyon, dun ako lalamun, papasyal, maglalaro na di na iniisip pa ang bukas! Banat lang ng banat!


- At ewan ko ba, pero pag may pasok parang mas masarap at kaakit akit ang tawag ng aking kama na siunasabing kami na lang ang magsama, at tila bang mas malamig ang tubig pag maliligo sa umaga na 10 minuto ka ng nakatingin sa shower o balde pero di ka pa din makapag buhos...

Wakokoko, ewan ko nga ba, basta ako, mahal na mahal ko ang bakasyon, pero sa kabila nito, masaya din naman ako pag pumapasok kasi andun ang mga kaibigan ko...at siyempre, swerte na ako na may trabaho ako...bow!


Hayz! Sana Bakasyon na! Wakokoko!

No comments: