Sunday, November 9, 2008

Jackpot! May kotse na ako!

Ha ha ha may kotse na ako kaso di ko pwede sakyan, pwede ko lang itune at idisplay. Hindi dahil sa wala akong pang bayad sa gasolina. And dahilan ay... masyado siyang maliit, wakekeke!

At kaya naging jackpot kasi nakita ko sa Toy Kingdom Warehouse Sale kung saan nabili ko siya ng 50% off! yata!!

Tada, ito ang aking bagong Mercedes Benz SLK 55, asteeg diba! Wakoko!

Asteeg sa detail to, medyo malabo nga lang ang picturte kasi galing lang sa phone ko! Pero kahit ganun kitang kita pa din ang detalye sa pinto at sa dashboard!

Sa susunod na yung hi res na pics. At sa susunod ko na lang ipapakita yung itsura niya matapos malagyan ng mga modifications!

Peace out! Vrooom!

1 comment: