Thursday, August 9, 2007

Gas Release and Terrible Memories

We all have fond memories in life, but on the other side of the fence we also have memories that haunt us... teka mas mainam siguro kung tatagalugin ko na lang ito dahil mas mabibigyan ko ng katarungan ang nais kong sabihin.

Tear gas... saan nga ba nagsimula?

Naitanong niyo na ba sa inyong sarili kung paano naimbento ang tear gas? Ano nasa isip ng imbentor nito ng mabuo niya ang kaunaunahang tear gas?Meron akong isang teorya ukol dito at iyon ang nais kong ipaliwanag sa inyo ngayon.

Dumating ang rebelasyon na ito ng minsang nasa sasakyan ako ng isang kaibigan. Masaya ang aming usapan at di ko inalintana na may pangyayari palang paparating na gigimbal sa aking katinuan. Ito ay bigla na lang dumating habang kami'y naguusap. Tumahimik na lang siya ng bigla, tinapat sa kanya ang aircon at ayun... bigla ko na lang naamoy.


Ang saglit na katahimikan ay hudyat pala ng paparating na trahedya na kung tawagin ay gas release (U -toooot, sorry censored, masyadong malaswa pakinggan sa Pinoy, Lolx!), at sa saglit ding iyon tila bang nagbalik ang lahat ng masamang alaala sa buhay ko. Inakala kong katapusan ko na... pero a huling saglit, nabuksan ko ang bintana kung saan may sariwang hangin. Di ko pa panahaon para pumanaw!


Sa aktong pagbukas ko, isang ibon ang tila nag nose dive sa matigas na aspalto ng hi-way... nakalanghap siguro...kawawa naman! Inakala kong ang bukas na bintana ang magiging sagot sa problemang ito, ngunit isang mataas na uri ito ng gas release and aking na engkwentro, dahil hindi nawala ang amoy na ito at mukhang dumikit pa sa damit ko... patay na!


Matapos ang ilang minuto, nakapagsalita na din ako. Medyo di pa nagbabalik ng lubos ang aking katinuwan ng mga panahong iyon, kaya ang namutawi na lang sa aking mga labi ay "nabubulok na ba bituka mo?" at sa oras ding iyon, bigla na lang ako nag pass out! Ang huling nakita ko bago tuluyang mawalan ng malay... ang nakangisi kong kaibigan. Abot tenga ang tuwa sa kanyang ginawa.

Hindi lang tear gas ang pinagamitan nito, kahit ang ilang malakas na pagsabog ay marahil dito din nagmula...

At ng magkamalay, di na natanggal pa ang alaala ng trahedya... patuloy akong ginugulo hanggang sa ngayon... Isang malagim na alaala... na nagpabago ng aking buhay... Matrahil sa kwentong ito maiisip niyo din na marahil ito ang pinaka dahilan, pinaka konsepto ng isang tear gas...wala lang, gusto ko lang sabihin...Lolx!

2 comments:

Sir X said...

Thank goodness you're still alive man! Getting trapped in a gas chamber and surviving it is really a miracle! lolx.

GEEK ALERT! Flatus gas (fart) is composed of Nitrogen and Methane - the common cause of mine explosions! So you're really lucky that no one lit up a match within 50 ft. lolx.

For the death gods - please give a signal before you release the gas of death. I know sometimes a sound is produced as the gas is released, and some are really involuntary, but a warning can really help decrease the damage (or the inhalation and absorption of the gas molecules).

Lastly, the distinctive scent is only one of the products of cutting the cheese. You can also obtain 'Fart Art' most commonly knownas skid marks (need I explain more?). You can sell it to those with a demented taste in art or just send it directly to the washers for a good and thorough cleaning. wakekeke.

SiMo said...

Saylent bat didly! lolx