Good day guys, I know I have been posting in English for the past weeks, but for this one, I really had to do it in my native tongue (parang ulam ah), because it adds to the drama!
Now if you wanna back out its up to you, but you may have the same questions raised every now and then in your life embedded in this blog.
So OK, with that out of the way, I shal begin...
Ano nga ba ang estado ko sa buhay?
Dati ang alam ko ay middle class ako, pero parang nagbago na yata ang pagkakaintindi ng mga tao sa salitang ito. Hindi ko alam kung dala ba siya ng hangin ng taong 2007, pero basta parang iba na.
Minsan yata dumadating sa buhay ng tao na marerealize niya na mali pala ang isang bagay na tinuring niyang tama ng kay tagal na panahon.
Nangyari ang ganitong realization sa akin ng magsimula akong magtrabaho sa Makati... sa Makati pala ay may malalaking building at magagarang sasakyan (tulo laway sa kainosentehan) at kaakibat na rin nito ay mga mayayamang mga ka-opisina.
Dito nagsisimula ang aking kwento...
Minsan ng kumakain kami ng aking mga kaibigan, nasabi ng isa sa mayayaman kong kaibigan na sila ay mahirap lang, ng nagulat ang mga middle class ng grupo sa kanyang sinambit, binawi niya ito at sinabing middle class lang siya...
Pero siya yung tipong mayaman na may taga salin ng tubig sa baso, taga hatid sa opisina, may anim na sasakyan at may driver tapos ay may isang cabinet na mamahaling laruan...
Napaisip na ako ng mga panahong ito... kung middle class siya, ano na nga ba ako?!
Napagtibay ang aking duda ng may isa pa akong kaibigan na bumanata na "kung mayaman lang ako ay mangongolekta ako ng mga toys"...
Teka!! Ito ang kaibigan kong Bmw, eclipse at Mazda Miata ang mga sasakyan... Middle class lang din daw siya
Kumpirmado na, ang salitang middle class ay na adjust na, para sa mayaman na yun at para naman sa aking dating middle class... ano na kaya ang tawag sa akin??
Below middle class?Hampas lupa?Ano na nga ba??Pero gusto ko ang bansag na middle class, parang pinaghalong maginoo at medyo bastos!
Kaya ang resolusyon ko, tumira sa isang condo, magpagawa ng swimming pool sa bahay at bumili ng hummer at jaguar na sasakyan para manumbalik ang pagka middle class ko...
Mukhang matatagalan pa ako... kaya sa ngayon, and estado ko ay nasa limbo...
Kayo ba, middle class din ba kayo?Squatter?Ano nga ba?
Teka, iatatanong ko nga kay GMA... lolx!
NOTE: Huwag masyadong seryosohin ang post na ito, baka magdugo ang ilong sa kakaisip! Bwahahaha!

6 comments:
Kung ganyan ang middle class, paano rin ako? Malamang isang taong grasa lang. Mahirap talaga itapat ang sarili sa mga taong hindi mo kaya abutin pero ganyan talaga ang buhay natin. Letrang Z na ata ang class ko sa dati kong inaakalang class E. XD
Yaka yan, ganyan lang talaga ang buhay, narerealize natin ang mga kakulangan natin!! Bwahahahahaha! Dyok dyok dyok!
ok since umuulan and slacker mode na, serious mode na rin! haha. mag tagalog din para in line sa thread nyahaha
para sa akin, asa tao lang naman yan kung magpapataw tayo sa mga ideya ng lipunan, tulad ng pagkakaroon ng "middle class".
ang nagiging batayan kasi nito ay ang tanong na "madami ba akong pera? nabibili ko ba ang mga gusto ko?"
sa tingin ko, mas magandang tanungin na lang sa sarili at mas importante ay "masaya ba ako sa kalagayan ko ngayon?"
wahehehe. shet. sige sa uulitin!
Wah, brother malalim yan, pero ikaw ay may punto (at kuchinta lolx)!Ang estado ay di na minsan mahalaga kung kuntento ka naman at masaya! Amen!!
naging serious na talaga ah!
tanong lang.. importante ba talaga ang estado sa buhay? kasi baka naman pwede natin isantabi ang mga sinasabing "estado" basta ang mahalaga.. masaya tayo sa buhay natin sa lipunan na kinabibilangan... hmmm kinabibilangan.. estado pa rin yata yun ah.. eheheh basta.. may estado o wala.. ang mahalaga masaya ka
Tumpak ka dyan kapatid, minsan ay wala ng halaga ang estado... dahil minsan kahit mataas estado mo, wala ka naman kakuntetuhan sa buhay, o kaya naman ay kahit mahirap lang ay nagaastang mayaman kaya labis ang paghihinagpis...
Minsan, ang mga ganitong pagkakataon sa buhay ay nagbubukas sa ating isipan sa kung ano nga ba ang tunay na mahalaga sa atin...
Post a Comment