Saturday, March 28, 2009

Long Break = Malaking Gastos

Elow Pipz, malapit na ang bakasyon na medyo mahaba! May plano na ba kayo?

Nag file na ba kayo ng mga leave niyo para lubusang masamantala ang Holy Week break? Sa amin sa opisina madami na ang nagfile ng vacation leave nila para mahigit sa isang linggo bakasyon nila! Asteeg diba!

Ako, mukhang pass na ako sa mahabang bakasyon na yan kasi sigurado namang mapapagastos ako. Nyahahaha, kaya sa opisina na lang ako... sana madaming dumamay sa akin para makakapag rak en rol pa din kami sa office habang ang karamihan sa aming ka opisina ay nagpapakasarap sa beach, probinsya, sa kama etc.

Pero siyempre di ko naman sasayangin ang ilang araw na bakasyon. Gagastos ako ng kaunti para lang masabi na naka summer break din ako, he he he!

Kaya mga ka tropa, kita kits sa Anilao, o sa Calatagan o sa Punta Fuego... kung saan man kami matuloy ngayong bakasyon! 

No comments: